|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon, Biyernes, ika-7 ng Pebrero 2020, sa preskon ng World Health Organization (WHO) sa Geneva, ni Michael Ryan, Executive Director ng Health Emergencies Programme ng WHO, na maaga pa para masabi kung kalian aabot sa pinakamatinding panahon ang epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCoV).
Sa preskon, sinabi naman ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director-General ng WHO, na sa kasalukuyan, napakabilis na lumalaki sa buong daigdig ang pangangailangan sa mga kagamitang pang-indibiduwal na proteksyon. Halimbawa aniya, ang pangangailangan sa facial mask ay mas malaki ng 100 ulit kaysa normal na pangangailangan. Iminungkahi ni Ghebreyesus, na dapat igarantiya ang pagkakaloob ng mga kagamitang ito sa mga taong talagang nangangailangan ng mga ito, na gaya ng mga doktor at may-sakit.
Dagdag ni Ghebreyesus, nanawagan din ang WHO sa komunidad ng daigdig na mangalap ng 675 milyong dolyares, para isagawa ang pandaigdig na programa laban sa novel coronavirus.
Salin: Frank
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |