Ipinahayag Lunes, Pebrero 10, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga isinasagawang mahigpit na hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa 2019-nCov ay para sa kapakanan, hindi lamang ng mga mamayang Tsino, kundi maging sa buong daigdig. Tinukoy niya na kailangang panatilihin ng komunidad ng daigdig ang malakas na pagtutulungan at pagkakaisa para maiwasan ang kilos na paninirang-puri sa proseso ng pagharap sa kalagayang epidemiko.
Ani Geng, kasalukuyang maayos na isinusulong ang iba't-ibang gawain ng Tsina sa pakikibaka laban sa 2019-nCov, at unti-unting natatamo ang positibing bunga. May kompiyansa at kakayahan ang Tsina sa pakikipagtagumpayan sa kalagayang epidemiko, dagdag ni Geng.
Salin: Lito