Nag-usap sa telepono Pebrero 9, 2020, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa gawain ng paglaban sa novel corona virus (2019-nCov).
Tinukoy ni Li na sa kasalukuyan, maayos na isinasagawa ng Tsina ang pagpigil sa epidemya. Sa mula't mula pa'y, pinapauna ng pamahalaang Tsino ang kaligtasan at buhay ng mga mamamayan, diin niya. Ang pamahalaang Tsino at mga mamamayan aniya ay mayroong kompiyansa at kakayahang mapagtagumpayan ang paglaban sa epidemiya. Umaasa si Li na susuportahan ng komunidad ng daigdig, na kinabibilangan ng Alemanya, ang pagsisikap ng Tsina sa paglaban sa epidemiya, at panatilihin ang normal na pakikipagpalitan sa Tsina.
Ipinahayag ni Merkel na mahigpit na sinusubaybayan ng Alemanya ang kasalukuyang epidemiya. Nananangan ang Alemanya sa makatuwirang paninindigan sa harap ng epidemiya, dagdag niya. Pinasalamantan din niya ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa mga mamamayang Aleman na nasa loob ng bansa. Nakahanda ang Alemanya na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina at ipagkakaloob ang tulong. Binati din niya ang mga tauhang medikal na Tsino.
Lumahok din sa naturang aktibiad si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.
Salin: Sarah