Sa Espesyal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian nations (ASEAN) tungkol sa isyu ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ginanap kamakailan sa Vientiane, Laos, komprehensibong inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang hinggil sa mga ginagawang hakbangin ng Tsina sa pakikibaka laban sa kalagayang epidemiko ng COVID-19.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Biyernes, Pebrero 21, 2020 ni Teodoro Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang lubos na papuri sa mga ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pagkontrol at pagpigil sa nasabing epidemiya. Sinabi niya na ang nasabing espesyal na pulong ay nababatay sa siyensiya at katotohanan.
Tinukoy pa niya na dapat kondenahin ang mga pamahalaan at tao na nagpapalaganap ng mga pekeng impormasyon.
Salin: Lito