|
||||||||
|
||
Inilahad ngayong araw, ika-31 ng Enero, taong 2020, sa Manila ni Huang Xilian, Embahador Tsino sa Pilipinas, ang mga hakbangin ng pamahalaang Tsino sa pagpigil at pagkontrol ng epidemiya ng coronavirus. Ipinahayag niyang may determinasyon, pananalig at kakayahan ang pamahalaang Tsino na mapagtagumpayan ang epidemya ng coronavirus.
Sinabi ni Huang na sa kasalukuyan, mabisa ang mga umiiral na hakbangin at gawain sa pamumuno ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na gaya ng pagtatatag ng pangkalahatang sistema sa buong bansa sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at transparent ang mga gawain at impormasyon sa publiko.
Sinabi rin ni Huang na sapul nang sumiklab ang epidemiya, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang pinakamahigpit at komprehensibong hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, agarang isinasapubliko ang mga impormasyon sa loob at labas na bansa batay sa transparent at responsibleng artityud, aktibong ibinabahagi ang mga datos ng virus sa ibang mga bansa at World Health Organization (WHO).
Binigyang-diin ni Huang na isinasakatuparan ng Tsina ang responsibilidad na pandaigdig para maigarantiya ang kaligtasan ng mga dayuhan sa Tsina. Sinabi pa niyang palagiang ipinaaalam ng Tsina sa Pilipinas ang kalagayan ng epidemiya ng coronavirus sa loob ng bansa at mga ginagawang hakbangin.
Pinasalamatan ni Huang ang pag-asikaso, pagkaunawa at pagsuporta ng pamahalaang Pilipino at mga Pinoy sa paglaban ng Tsina sa epidemiyang ito. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Pilipinas, para mapagtagumpayan ang epidemiyang ito.
Kaugnay ng isyu ng coronavirus sa Pilipinas, sinabi ni Huang na palagiang iginigiit ng Embahadang Tsino ang mahigpit na pagkontak at kooperasyon sa Kagawarsn ng Kalusugan ng Pilipinas at mga kaugnay na tanggapan nito para makipagtulungan sa Pilipinas sa maayos na pagpigil at pagkontrol sa pagkalat ng coronavirus.
Ulat: Ernest
Web Editor: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |