Ipinahayag nitong Biyernes, Pebrero 21, 2020 ni Yoshihide Suga, tagapagsalita ng pamahalaan at Chief Cabinet Secretary ng Hapon, na idaraos ang Tokyo 2020 Olympic at Paralympic Games sa nakatakdang panahon.
Sa isang news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Yoshihide Suga na patuloy na isusulong ng pamahalaang Hapones ang mga paghahanda para maproteksyunan ang kaligtasan nga mga atleta at manonood sa nasabing dalawang palaro.
Bagama't naparami ng kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang ilang kahirapan sa pagtataguyod ng Tokyo Olympics at Paralympics, buong tatag na ipinahayag ng iba't-ibang departamento ng Hapon na hindi magbabago ang nakatakdang plano ng gaganaping Olimpiyada.
Salin: Lito