Natapos kahapon, Miyerkules, Enero 1 2020, ang konstruksyon ng bahagi ng Yanqing-Chongli Highway sa loob ng lalawigang Hebei.
Ang haywey na ito ay isa sa mga pangunahing lansangang gagamitin sa 2022 Beijing Olympic at Paralympic Winter Games. Ang Yanqing, distrito ng Beijing, at Chongli, distrito ng lunsod ng Zhangjiakou ng Hebei, ay kapwa lugar kung saan matatagpuan ang ilang venue ng naturang mga palaro.
Pagkaraang isaoperasyon ang Yanqing-Chongli Highway, ang panahon ng biyahe sa pagitan ng nasabing dalawang lugar ay mapapaikli sa 1.5 oras, mula sa kasalukuyang tatlong oras.
Salin: Liu Kai