|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Pebrero 25, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Crown Prince of Abu Dhabi Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan ng United Arab Emirates.
Pinasalamatan ni Xi ang suporta ng United Arab Emirates na nagkaloob ng tulong materyal sa Tsina sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Binigyan-diin ni Xi na isinasagawa ng Tsina ang pinakakomprehensibong hakbangin sapul nang sumiklab ang epidemiya. Tinukoy niya na nananangan ang Tsina sa ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, at ibinigay ang positibong ambag para sa kalusugan ng Tsina at kaligtasan ng pampublikong kalusugan ng buong daigdig.
Ipinahayag ni Mohammed, sa ngalan ng pamahalaan ng United Arab Emirates at mga mamamayan nito, ang pakikiramay sa Tsina. Lubos na pinapurihan niya ang malakas na hakbangin na isinagawa ng Tsina. Ipinahayag niya na buong tatag na sinusuportahan ng kanyang bansa ang Tsina sa paglaban sa epidemiya at patuloy na ipagkakaloob ang tulong sa Tsina.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |