Ipinadala Pebrero 20, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang tugong-liham kay Bill Gates, Presidente ng Bill & Melinda Gates Foundation para ipaabot ang kanyang pasasalamat kay Bill Gates at sa kanyang pundasyon sa pagsuporta Tsina sa pagkontrol at pagpigil ng kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na palakasin ang pagkokoordinahan para magkakasamang labanan ang nasabing epidemiya.
Tinukoy ni Xi na makaraang maganap ang kalagayang epidemiko, isinasagawa ng Tsina ang serye ng walang-katulad na hakbangin ng pagkontrol at pagbibigay-lunas, at natamo ang napakalaking bunga. Aniya, buong tatag na pinangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng katawan ng mga mamamayang Tsino, pati na ang mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa buong daigdig.
Ani pangulong Tsino, ang pakakaisa at kooperasyon ay pinakamabisa at pinakamalakas na sandata upang mapagtagumpayan ang kalagayang epidemiko. Umaasa aniya siyang mapapalakas ng komunidad ng daigdig ang pagkokoordinahan para magkakasamang magsikap para sa kalusugan ng sangkatauhan.
Salin: Lito