Nag-usap sa telepono Pebrero 25, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Abiy Ahmed ng Federal Democratic Republic of Ethiopia.
Tinukoy ni Xi na, sa mahalagang panahon ng paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ng Tsina, ang dalawang beses na pagpaparating ng pakikiramay mula kay PM Abiy Ahmed ay lubos na nagpakita ng malalim na pagkakaibigan ng Tsina at Ethiopia bilang komprehensibong estratehikong partner.
Binigyan-diin ni Xi na hindi babaguhin ng epidemiya ang matatag na pundasyon ng Tsina sa pangmalayuang plano ng pag-unlad. Ipinahayag niya na nakahanda ang Tsina na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang Aprikano sa larangan ng pampublikong kalusugan at pagpigil sa sakit.
Sa ngalan ng pamahalaan ng Ethiopia at mga mamamayan nito, ipinahayag ni Ahmed ang pakikiramay sa Tsina na nakaranas ng epidemiya. Ipinahayag niya na nananalig ng Ethiopia na tiyak na magtatagumpay ang Tsina sa paglaban sa epidemiya, at pabababain ang epekto ng epidemiya sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Salin:Sarah