Isinalaysay nitong Huwebes, Pebrero 27, 2020 sa Beijing ng kaukulang namamahalang tauhan ng State Taxation Administration ng Tsina na pabibilisin ng administrasyong ito ang proseso ng pagsusuri, ibayo pang paiikliin ang oras ng pagsasauli ng buwis sa pagluluwas, pagagaanin ang pasanin ng mga bahay-kalakal sa buwis, at pasusulungin ang matatag na pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, inilunsad ng administrasyong ito ang walang-kontakt na pag-aaplay at pagsagot, at hinahawakan ang mga kaukulang prosedyur sa pamamagitan ng digital data, upang mabawasan ang people-to-people contact.
Salin: Vera