Sa paanyaya ni Shigeru Kitamura, Puno ng National Security Council ng Hapon, mula ika-28 hanggang ika-29 ng Pebrero, 2020, dadalaw sa Hapon si Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Itataguyod nina Yang at Kitamura ang bagong round ng diyalogong pulitikal sa mataas na antas ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, sinabi nitong Huwebes, Pebrero 27, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagdalaw ni Yang sa Hapon sa kasalukuyang panahon ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng panig Tsino sa relasyong Sino-Hapones.
Saad ni Zhao, sapul nang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagbigay ang pamahalaan at iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Hapon ng matapat at may kagandahang loob na suporta sa panig Tsino. Isinagawa rin aniya ng kapuwa panig ang pagtutulungan hinggil sa magkasamang pagharap sa epidemiya.
Salin: Vera