Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, bago mag hating-gabi ng Marso 3, 2020, 119 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland. Samantala, 38 ang karagdagang namatay, at 143 naman ang bagong pinaghihinalaang kaso.
Sa katulad na panahon, 27,433 ang kabuuang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinse mainland; 49,856 katao ang kabuuang bilang ng mga gumaling, at 2,981 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Salin: Lito