Hanggang Lunes ng tanghali, Marso 2, 2020, sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mahigit 60 bansa sa buong mundo. Pinataas ng World Health Organization (WHO) ang pandaigdigang lebel ng panganib sa "Very High," pinakamataas na antas. Bilang isang bansa na may mayamang karanasan sa pagpigil at pagkontrol ng epidemiya, aktibong isinasagawa ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa pagpuksa sa epidemiya, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon. Ito ay hindi lamang ganting-tulong sa mga bansa't organisasyong pandaigdig na nagbigay-tulong sa Tsina sa simula ng epidemiya ng Tsina, kundi nagpakita rin ng responsabilidad ng isang responsableng bansa。
Pero sa kasalukuyang pangkagipitang panahon, walang humpay na lumilikha ang ilang pulitiko ng mga bansang kanluranin, lalong lalo na, ng Amerika, ng maling impormasyon, at dinudungisan ang Tsina, para hanapin ang personal na interes. Nagbubulag-bulagan ang nasabing mga pulitiko sa obdyektibong katotohanan at komong palagay ng komunidad ng daigdig, at nagsasakripisyo ng kapakanan, maging ng buhay ng mga mamamayan ng kani-kanilang bansa para sa sarili nilang interes. Nakakasira sila sa kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya, at nakakapinsala sa kabiyayaan ng kani-kanilang mga mamamayan at buong sangkatauhan.
Ang epidemiya ng COVID-19 ay komong hamon ng sangkatauhan, sa halip na kompetisyon sa pagitan ng mga bansa. Ang pandaigdigang krisis ng kalusugang pampubliko ay nagsisilbing pagkakataon para sa pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, at hindi dapat magsilbi itong komedyang pulitikal.
Salin: Vera