Napag-alaman ng mamamahayag mula sa news briefing ng Joint Prevention and Control Mechanism ng Konseho ng Estado ng Tsina nitong Martes, Marso 3, 2020 na sapul nang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), inilunsad ng mga departamento ng pananalapi at buwis ang maraming hakbangin sa pagbabawas ng buwis, para puspusang suportahan ang normal na operasyon ng mga bahay-kalakal, lalong lalo na, mga katamtaman, maliliit at mikrong bahay-kalakal at mga pribadong kumpanya.
Ang epidemiya ng COVID-19 ay nagkaroon ng epekto sa produksyon at operasyon ng ilang bahay-kalakal. Ayon kay Fu Jinling, Direktor ng Departamento ng Segurong Panlipunan ng Ministri ng Pinansya ng Tsina, upang mapagaan ang pasanin ng mga bahay-kalakal, lalong lalo na, mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal (SMEs), bukod sa pagpapatupad ng mga patakaran sa pagbabawas ng buwis, inilabas kamakailan ng kanyang ministri ang patakaran sa pagbabawas sa gugulin sa social security.
Salin: Vera