|
||||||||
|
||
Inulit ni Yoshiro Mori, Tagapangulo ng Tokyo Olympic Organizing Committee, na bubukasan ang 2020 Tokyo Olympic Games sa itinakdang oras, sa ika-24 ng Hulyo.
Ipinahayag ito Marso 4, 2020, ni Yoshiro Mori, sa TV Meeting ng Tokyo Olympic Organizing Committee at Executive Committee ng International Olympic Committee (IOC).
Pagkatapos ng pulong, kinatagpo nina Yoshiro Mori at Toshiro Muto, Chief Executive Officer ng Tokyo Olympic Organizing Commitee, ang media.
Dito, muling ipinahayag ni Toshiro Muto ang panananalig sa pagdaraos ng Olympic Games.
Kaugnay ng Torch Relay na sisimulan sa Ika-26 ng Marso sa Hapon, sinabi ni Muto na isasagawa ng mga lokal na pamahalaan ang mabisang hakbangin para kontrolin ang epidemiya.
Ilalahad ng Hapon ang konkretong plano sa IOC hinggil dito sa isang linggo, aniya.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |