|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ngayong araw (Marso 5) ay Araw ng mga Batang Boluntaryo ng Tsina.
Sa harap ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pinalakas ng mga batang boluntaryo ng Tsina ang kalooban ng maraming mamamayan.
Noong Marso 4, 2020, maraming pasyente ng COVID-19 ang nagamot.
Ayon sa pinakahuling patuntunan, tatanggapin nila ang 14 araw na isloation sa itinakdang lugar bago makauwi sa kanilang mga bahay.
Ang paglabas sa ospital ng napakaraming pasyante ay naging bagong problema, dahil ito ay nagpapakita ng ilang panganib, pero, nakisanggot sa misyong ito ang maraming boluntaryo.
Sina Yuliang at Wangbo ay dalawang batang lalaki sa misyong ito.
Dalawamput apat (24) na taong gulang lang si Yuliang ngayong taon, at siya ay isang Interior designer.
Matapos manalasa ang epidemiya, nagdesisyon magboluntaryo.
Aniya, isinilang siya sa Wuhan, at gusto niyang tulungan ang kanyang lupang pinagmulan upang mapanumbalik ang kalusugan nito.
Sinabi din ni Wangbo na ang Wuhan ay sentro ng epidemiya ng buong bansa, at bilang isang taga-Wuhan, magsasakripisyo siya bilang boluntaryo hanggang matapos ang epidemiya.
Salin:Sarah
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |