|
||||||||
|
||
Inilabas nitong Miyerkules, Marso 4, 2020 ang Ika-7 Edisyon ng Plano sa Panggagamot sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ang bagong plano ay may karagdagang nilalaman hinggil sa pathologic changes.
Dinagdagan at isinaayos din ang mga nilalaman hinggil sa clinical manifestation, diagnosis standard, paraan ng panggagamot, pamantayan sa pagpapalabas sa ospital at iba pa.
Tinukoy sa nasabing plano na ang mga pasyente ay pangunahing pinanggagalingan ng pagkalat ng virus.
Maaari ring maging pinanggagalingan ng pagkalat ng virus ang mga walang sintomas na nahawahan ng COVID-19.
Ayon sa kahilingan ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, sa proseso ng panggagamot sa COVID-19, dapat aktibong patingkarin ng iba't ibang kaukulang organong medikal ang papel ng Traditional Chinese Medicine (TCM), at kumpletuhin ang sistema ng magkasanib na panggagamot sa pamamagitan ng TCM at medisinang kanluranin.
Slain: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |