|
||||||||
|
||
Matagumpay na napawi ang kahirapan noong Marso sa maraming kanayunang Tsino.
Mayroong kakayahan ang Tsina na isakatuparan sa itinakdang panahon ang pagpapawi ng kahirapan sa lahat ng mahihirap na populasyon sa buong bansa sa 2020.
Ang karanasan ng pagpawi ng kahirapan ay inaaaral ng mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag ni Boungnang Vorachith, Pangulo ng Laos na dapat mataimtim na aralin ang karanasan ng Tsina.
Ayon pa sa ulat, isinagawa ng Chinese Academy of Agricultural Sciences (CAAS) ang malawak na imbestigasyon at pananaliksik sa mahihirap na rehiyon ng Tsina, at natuklasang pinapasulong dito ang modernong industriyang agrikultural, para tulungan ang mga lokal na mamamayan na mapawi ang kahirapan, at ito ay umakit ng pag-a-aral ng mga opisyal at dalubhasa mula sa Ehipto, Laos, Bangladsh at iba pa.
Sa pagpapawi ng kahirapan, natamo ng Tsina ang malaking bunga, pero ang tungkuling ito ay hindi madali.
Sa taong 2020, apektado ng epidemiya ng Novel Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), patuloy na pinapasulong ng Tsina ang pagpawi ng kahirapan sa mas malaking saklaw at mas malakas na puwersa.
Mayroong lubos na kompiyansa hinggil dito ang maraming kaibigang pandaigdig ng Tsina.
Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Abbas Zaki, opisyal na Arabe, na "nananalig siyang tiyak na magtatagumpay ang Tsina sa paglaban sa epidemiya, at tapos, tiyak na lalo pang uunlad ang kabhayang Tsino. Magiging mas malakas ang Tsina at magdudulot ng benepisyo para sa buong daigdig. "
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |