Sa simposyum hinggil sa pagpawi ng kahirapan na idinaos sa Beijing Marso 6, 2020, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulo ng bansa, na sa ilalim ng kasalukuyang pamantayan, ang pagsasakatuparan ng pagpapabuti ng kalagayan ng lahat ng mahirap na mamamayan sa kanayunang Tsino ay solemnang pangako ng Komite Sentral ng CPC para sa sambayanang Tsino, at dapat itong isakatuparan sa loob ng nakatakdang panahon sa kabila ng negatibong epektong dulot ng epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Diin ni Xi, kasabay ng unti-unting pagsasakatuparan ng target ng pagpawi ng karalitaan, dapat igarantiya ang pagtatamo ng tunay na bunga sa usaping ito, at buong tatag na pigilan ang mapagkunwaring pagpawi ng kahirapan.
Sinabi pa ng pangulong Tsino na sa ilalim ng kasalukuyang pamantayan, ang pagsasakatuparan ng pagpawi ng karalitaan sa mga lunsod at bayan ay dapat maging simula ng pagpupunyagi para sa mas mabuting pamumuhay, sa halip na katapusan. Dapat patuloy na pasulungin ang komprehensibong pagpawi ng karalitaan upang unti-unting maisakatuparan ang komong kayamanan., aniya.
Ang nasabing simposyum ay pinakamalawak na pulong tungkol sa pagpawi ng kahirapan sapul noong Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Sapul noong Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, bumaba sa 5.51 milyon ang bilang ng nga mahihirap noong katapusan ng 2019, mula 98.99 milyon noong katapusan ng taong 2012.
Salin: Lito