Ipinahayag Marso 12, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinapanatili ng Tsina at Europa ang mahigpit na koordinasyon at kooperasyon sapul nang lumitaw ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na lalo pang palakasin ang pagbabahagi ng karanasan at pagpapalitan ng teknolohiya para magkasamang labanan ang epidemiya at mapangalagaan ang kaligtasan ng pampublikong kalusugan ng buong daigdig.
Mabilis na kumalat kamakailan ang COVID-19 sa mga rehiyong Europeo, partikular na sa Italy. mabilis na tumaas ang datos ng kumpirmadong kaso at mga namatay.
Salin:Sarah