Sinabi Marso 12, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang paglaban ng Tsina sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay mahalagang bahagi ng paglaban sa COVID-19 ng buong daigdig. Nagbigay ang Tsina ng malaking ambag para rito. Sa susunod na yugto, kasabay ng paglaban sa epidemiya sa loob ng bansa, nakahanda ang Tsina na magbigay ng ambag para sa paglaban sa COVID-19 ng buong mundo.
Sinabi ito ni Geng bilang tugon sa pananalita ni Tedros Adnanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng World Health Organization (WHO). Sinabi Marso 11, 2020, ni Tedros na ang COVID-19 ay isang pandemic at ikinababalisa ng WHO ang mabilis na pagkakalat ng COVID-19 sa daigdig at hindi-pagkilos ng ilang bansa hinggil dito.
Salin:Sarah