Ayon sa isang patnubay, ang mga taong nagkaroon ng kuwarentenableng nakahahawang sakit o pinaghihinalaang biktima ng epidemiya na tumanggi sa paghihiwalay at obserbasyon, o nagtanggi ng katotohanan sa health declaration form sa mga checkpoint ng hanggahan ay haharap sa parusang kriminal.
Ang nasabing patnubay ay magkakasanib na inilabas ng Kataas-taasang Hukumang Bayan, Kataas-taasang Prokuraturang Bayan, Ministri ng Seguridad na Pampubliko, Ministri ng Katarungan, at Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina.
Layon nitong palakasin ang kuwarentenas na pangkalusugan sa hanggahan, pangalagaan ang seguridad ng kalusugang pampubliko, at igarantiya ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Salin: Vera