Bilang tugon sa mga kinakaharap na kahirapan ng mga dayuhang bahay-kalakal sa pagpapanumbalik ng produksyon sa Tsina, isinasagawa ng iba't-ibang lugar ng bansa ang mga hakbangin para malutas ang mga ito.
Sa ilalim ng puspusang pagkatig ng pamahalaan, napanumbalik na ang produksyon ng mga malaking dayuhang bahay-kalakal na gaya ng American Walmart, at German Siemens sa Shenzhen ng Tsina.
Sa lunsod Shanghai, naglakbay-suri ang mga opisyal ng pamahalaang lokal sa 720 kompanyang transnasyonal at dayuhang bahay-kalakal para malutas ang kanilang kahirapan.
Sinabi ni Gu Xueming, Puno ng Instituto ng Pananaliksik ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na bunga ng mga isinasagawang mabisa, propesyonal, at mabilis na hakbangin ng pamahalaang Tsino para sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at pagpapanumbalik ng kaayusan ng produksyon at pamumuhay, ibayo pang nalaman ng mga dayuhang kompanya ang bentahe ng sistema at modelo ng pangangasiwa ng Tsina.
Salin: Lito