Nag-usap sa telepono Marso 19, 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladmir Putin ng Rusya.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, nagiging mabuti ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa loob ng Tsina, at unti-unting nanunumbalik ang kaayusan ng kabuhayan at lipunan ng bansa. Ang Tsina ay mayroong kompiyansa at kakayahan na magtatagumpay sa laban kontra COVID-19. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang bansa na kinabibilangan ng Rusya, para palakasin ang kooperasyong pandaigdig, ibahagi ang karanasan ng paglaban sa epidemiya, upang mapangalagaan ang kaligtasan ng pampublikong kaligtasan ng buong mundo.
Ipinahayag ni Putin na lubos na pinapurihan ng Rusya ang mga hakbangin na isinagawa ng Tsina sa paglaban sa epidemiya. Ang tulong ng Tsina sa iba't ibang bansa ay mainam na modelo ng komunidad ng daigdig. Ang aksyong ito ng Tsina ay malakas na tugon sa ilang bansang minamaliit ang Tsina.
Salin:Sarah