|
||||||||
|
||
Si Richard Burr
Isiniwalat kamakailan ng mga media ng Amerika na maagang ibinenta ng maraming senador ng Amerika ang kanilang mga stock sa panahon ng pagbagsak kamakailan ng stock market ng Amerika.
Isinapubliko ng National Public Radio (NPR) ng Amerika ang rekord ng mga transaksyon, na nagpapakitang ibinenta, Pebrero 13, 2020, ni Richard Burr at ng asawa niya, ang 33 stock na nagkakahalaga ng 1.7 milyong dolyares.
Pero, iniulat niya ang naturang aksyon noong Pebrero 27.
Isinapubliko rin ng NPR ang rekord ng audio na nagpakitang ipinalabas noong Pebrero 27 ni Burr ang alerto sa isang luncheon.
At ayon dito, sinab ni Burr na "ang Coronavirus disease (COVID-19) ay nagigng ng epidemiya na tulad ng 1918 pandemic."
Pero nang araw ring iyon, sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa publiko na: "It (COVID-19) is going to disappear. One day, it's like a miracle. It will disappear."
Ayon sa datos, noong Pebrero 27, umabot sa 15 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika.
Hanggang Marso 21, umabot sa 22,043 ang lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika at 278 ang namatay.
Lumitaw rin ang 4 na circuit breakers sa loob ng 10 araw sa stock market ng Amerika.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |