|
||||||||
|
||
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/165197254538756/
FILIPINO SERVICE - CHINA MEDIA GROUPFACEBOOK LIVECAST, MARSO 26, 2020
PAKSA:
TSINA, INIIMBESTIGAHAN ANG KASO NG HANTAVIRUS SA LALAWIGANG YUNNAN
* Patuloy po ang pagbuti ng kalagayan ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, at gaya kamakalawa, wala pong domestic transmission ng COVID-19 kahapon
* Samantala, ang bilang gumaling kahapon ay 401: 74,051 naman ang pangkalahatang gumaling
* Mayroong 67 imported na kaso: at 81,285 pangakalahatang kaso
* 6, namatay kahapon: 3,287 pangkalahatang bilang ng namatay
* Inilunsad na ng Tsina ang imbestigasyong medikal sa napabalitang kaso ng hantavirus sa lalawigang Yunnan, sa gawing timogkanluran ng Tsina.
* Napabalita noong Lunes, Marso 24, na isang lalaki ang namatay habang nagbibiyahe sa bus papunta lalawigang Shandong, upang bumalik sa kanyang trabaho.
* Ang bus, na nagmula sa Cangyuan County ng nasabing lalawigan ay naglalaman ng 33 katao, kasama na ang 2 nagmamaneho, 1 medical staff, at 30 migranteng manggagawa.
* Ang lalaking nasawi na may apelyidong Tian, ay isa sa mga migranteng manggagawa.
* Nagsimula siyang magkaroon ng simtomas, mga 4:00 a.m., Lunes habang ang bus ay bumibiyahe sa Ningshan County, lalawigang Shaanxi, sa gawing timogkanluran ng Tsina.
* Si Tian, kasama ang 2 pang may lagnat ay dinala sa ospital, at makaraan ang 4 na oras, binawian ng buhay si Tian, matapos siyang magpositibo sa hantavirus. * Samantala, ang dalawa pang kasama ni Tian ay nagnegatibo naman sa kapuwa hantavirus at novel coronavirus.
* Lahat ng iba pang nakasakay sa bus ay inilagay sa medikal na obserbasyon.
* Ayon kay Ginoong Zuo, isa sa mga ekspertong humahawak sa kaso, ilulunsad nila sa Cangyuan County ang isang epidemiolohikal na imbestigasyon upang malaman kung mayroong hantavirus outbreak.
* Sinabi ni Zuo, na mula 2015 hanggang 2019, naitala sa lalawigang Yunnan 1,231 na kaso ng hantavirus infection, at 1 ang namatay, pero, ito ang kauna-unahang ulat ng pagkahawa sa nasabing county.
* Ang pamilya ng hantavirus na kumakalat sa pamamagitan ng mga daga at maaaring magsanhi ng ibat-ibang sakit tulad ng hantavirus pulmonary syndrome (HPS) at haemorrhagic fever with renal syndrome (HFRS).
* Ang virus ay hindi airborne at maaari lamang makaapekto sa mga tao kung magkakaroon ng direct, contact at aerosol transmission sa ihi, dumi, at laway ng daga, o di kaya ay kagat.
* Ang hantavirus ay hindi naipapasa sa pamamagitan ng tao sa tao at kalsipikado ng Tsina na nagsasanhi ng Class B infectious diseases.
* Ilan sa mga unang simtomas ng ay madaling pagkapagod o fatigue, lagnata, pananakit ng kalamnan na may pananakit ng ulo, lagtan at pananakit ng tiyan.
* Kung hindi agad malulunasan, it ay maaaring magsanhi ng pag-ubo, at pagkawala ng hininga o shortness, at pwedeng ikamatay.
Sinabi ni Zuo, ang pagbabakuna ang pinaka-epektibong paraan para maiwasan ang hemorrhagic fever.
* May bakuna laban sa hantavirus, at ito ay halos 20 taon nang nasa Tsina.
* Aniya pa, mahalagang panatilhin ang kalinisan sa katawan, at kapaligiran, tanggalan ang pinamamahayan ng mga daga, at magsuot ng mga pamprotektang kasuotan sa pagliinis.
SOURCE:
https://news.cgtn.com/news/2020-03-24/Chinese-medical-experts-investigate-hantavirus-death-P7XuIubPH2/index.html
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |