|
||||||||
|
||
Ipinahayag Marso 26, 2020, ni Xu Nanping, Pangalawang Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na sapul nang lumitaw ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), maagang ibinabahagi ng Tsina sa daigdig ang mga data at bungang pansiyensiya at panteknolohiya, at mga karanasan sa paglaban sa epidemiya.
Ang pagkakaisa, kooperasyon at pagbabahagi ay umiiral sa buong proseso ng paglaban ng Tsina sa epidemiya.
Isinalaysay din niya na walang humpay na pinapasulong ng Tsina ang pananaliksik sa vaccine, at pumasok sa yugto ng clinical trial ang Adenovirus Vector Based Vaccine Against COVID-19 noong Ika-16 ng Marso.
Sinabi rin ni Xu na tinatanggap bawat araw ng Tsina ang mga mungkahi mula sa mga siyentipiko ng iba't ibang bansa at pinasasalamatan ito ng Tsina.
Sa kasalukuyan, kumakalat ang COVID-19 sa buong mundo, at patuloy na isinasagawa ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa iba't ibang bansa upang ipagkaloob ang suportahang pansiyensiya at panteknolohiya para sa pinal na tagumpay ng paglaban sa COVID-19.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |