|
||||||||
|
||
Sa news briefing nitong Miyerkules, Marso 25, 2020, ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na upang mapigil ang pandemic ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), isinasagawa ng maraming bansa ang hakbangin ng lockdown na walang katulad sa kasaysayan, bagay na nakapagbigay ng oras para sa paglaban sa epidemiya.
Saad ni Ghebreyesus, noong nagdaang 2 buwan, sinayang ng iba't ibang bansa ang unang bintana ng oportunidad.
Nanawagan siya sa mga bansang nagsasagawa ng mahigpit na lockdown na pigilan ang pagkalat ng virus sa kasalukuyang panahon, at huwag sayangin ang ika-2 bintana ng oportunidad.
Aniya, sa kasalukuyan, wala pa sa 100 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa halos 150 bansa't rehiyon ng daigdig.
Dapat aktibong isagawa ng nasabing mga bansa't rehiyon ang mga hakbangin, upang hanapin, suriin, ikuwarentenas, subaybayan at gamutin ang mga nahawahan ng COVID-19, dagdag niya.
Sinabi naman ni Maria van Kerkhove, Technical Lead ng Health Emergencies Programme ng WHO, na isinagawa ng Tsina ang magkakaibang hakbangin sa mga rehiyong may magkakaibang digri ng panganib, bagay na mabisang pumigil sa pagkalat ng epidemiya.
Ito aniya ay karapat-dapat na tularan ng ibang bansa.
Ayon sa datos ng WHO, hanggang 18:00 Central European Time, Marso 25, umabot na sa 416,686 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Kabilang dito, 18,598 ang pumanaw na.
Samantala, nadiskubre sa 196 bansa't rehiyon sa daigdig ang kaso ng COVID-19.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |