Magkasunod na pinuntahan nitong Martes, marso 31, 2020 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang Xixi National Wetland Park at City Brain, isang smart city platform sa Hangzhou, upang alamin ang kalagayan ng pangangalaga at paggamit ng Xixi wetland ng urban management sa lunsod Hangzhou.
Sa kanyang paglalakbay-suri sa Xixi National Wetland park, sinabi ni Xi na dapat gawing pokus ng paggagalugad ng wetland ang pangangalaga sa ekolohiya. Diin ni Xi, hindi dapat paunlarin ang turismo sa kapinsalaan ng kapaligiran. Dapat paunlarin ang wetland park bilang luntiang espayo na magkakasamang tinatamasa ng mga mamamayan, dagdag niya.
Sa kanya namang paglalakbay-suri sa smart city platform, sinabi ni Xi na ang City Brain ay mahalagang hakbang ng pagtatayo ng "Digital Hangzhou." Aniya, bunga ng pagpapasulong ng modernisasyon ng pagsasaayos ng kalunsuran sa pamamagitan ng big data, cloud computing, at Artificial Intelligence (AI), maaaring maging mas "matalino" ang malalaking lunsod.
Mula pagsasa-impormasyon hanggang pagsasatalino, ito ay di-maiiwasang landas ng pagtatayo ng matalinong lunsod, at malawak ang prospek nito, diin ni Xi.
Salin: Lito