|
||||||||
|
||
Linggo, Marso 29, 2020, naglakbay-suri sa Lalawigang Zhejiang si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa.
Bumisita siya sa Ningbo-Zhoushan Port, isa sa mga nangungunang puwerto sa daigdig, para alamin ang kalagayan ng pagpapanumbalik ng trabaho't produksyon doon.
Sa isang industrial park na nagpoprodyus ng high-end auto parts at molds sa Ningbo, nakipagpalitan ng kuru-kuro si Xi sa mga kinatawan ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal.
Ani Xi, sa proseso ng paglaban sa epidemiya ng COVID-19, apektado ang iba't ibang uri ng grupo, bahay-kalakal at industriya.
Aniya, inilabas na ng Komite Sentral ng CPC ang isang serye ng mga hakbanging nakatuon sa mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal, at napapanahong isasaayos ang mga hakbanging ito, alinsunod ng pagbabago ng kalagayan.
Ito ang ika-4 na beses na paglalakbay-suri ni Xi, sapul nang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |