Sa kanyang pagharap, nitong Miyerkules ng hapon, Abril 1 (local time), 2020 sa Kamara De Representantes, ipinahayag ni Luigi Di Maio, Ministro ng Suliraning Panlabas at Kooperasyong Pandaigdig ng Italya, na sapul nang sumiklab ang epidemiya, natanggap ng Italya ang mga 30 milyong maskara mula sa ibang mga bansa, at kabilang dito ang halos 22 milyong mula sa Tsina.
Kaugnay ng debatehan tungkol sa pinagmumulang bansa ng mga tulong na materiyal, ipinagdiinan ni Di Maio na sa kasalukuyang mahigpit na kalagayan, dapat mabilis na isagawa ng pamahalaan ang aktuwal na aksyon upang maproteksyunan, hangga't makakaya ang kalusugan at kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan.
Inilista at pinasalamatan din niya ang lahat ng mga bansang nagkaloob ng tulong sa Italya.
Salin: Lito