Sinabi nitong Martes, Marso 31, 2020 ni Ma Xiaowei, Direktor ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, na mula Abril 8, tuluyan nang tatanggalin ng Wuhan, Lalawigang Hubei, Tsina, ang mahigpit na pangangasiwa at pagkontrol sa tsanel ng paglabas sa lunsod at buong lalawigan, na sinimulan nang paluwagin simula noong Enero 23.
Panunumbalikin din aniya ang mga domestic flight sa paliparan.
Dagdag niya, sa kasalukuyan, pinapabilis ng Wuhan ang pagpapanumbalik ng kaayusan ng produksyon at pamumuhay, upang mapaliit ang kapinsalaang dulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa datos ng Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Lalawigang Hubei, hanggang noong Marso 31, umabot na sa 85.4% ang work resumption rate ng Wuhan, samantalang 93.8% naman ang work resumption rate ng buong Lalawigang Hubei.
Salin: Vera