Tinanggihan kamakailan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Amerika ang pagpasok sa bansa ng mga KN95 mask mula sa Tsina.
Bilang tugon, ipinahayag nitong Miyerkules, Abril 1, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagsuplay sa mga medikal na materiyal kontra sa epidemiya ay may kaugnayan sa mga kongkretong problemang gaya ng pagkakaiba sa pamantayan ng sertipikasyon sa iba't-ibang bansa at rehiyon. Ngunit, hindi dapat maging hadlang sa kooperasyon laban sa epidemiya ang pagkakaibang ito, aniya.
Ang KN95 mask ang siyang bersyon ng Tsina at kahalili ng N95 mask.
Salin: Lito