|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, mahigpit pa ring ipinatutupad ang polisiya ng pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina.
Pero, kasabay nito, magkakasunod ding pinanunumbalik ng bansa ang operasyon ng mahahalagang proyektong may kinalaman sa pambansang kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan.
Nitong Miyerkules, Abril 1, 2020, nabuksan ang 103 mahahalagang proyekto sa Lalawigang Heilongjiang, na kinabibilangan ng konstruksyon ng sentro ng pandaigdigang kalakalan ng mga produktong agrikultural ng Tsina at Rusya.
Noong Marso 31, naisaoperasyon ang 283 proyektong may kinalaman sa agrikultura at kanayunan sa Lalawigang Jiangsu.
Ang nasabing mga proyekto ay nasa larangang gaya ng modernong pagtatanim at pag-aalaga, pagpoproseso at sirkulasyon ng produktong agrikultural at iba pa.
Upang maigarantiya ang maalwang pagpapatupad ng mga proyektong ito, nilagdaan ng pamahalaang lokal at mga bangko ang kasunduan sa estratehikong kooperasyon, upang ilatag ang plataporma ng pangingilak ng pondo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |