Ipinahayag Abril 6, 2020 ng Tanggapan ng Puno ng Ontario, Kanada na dahil sa epekto ng pagbabawal ng Amerika ng pagluluwas ng mga materyal na medikal sa Kanada, maaring maubos sa loob ng isang linggo ang mga gamit ng Ontario, na kinabibilangan ng mga mask, goggles, kasuotang pamproteksyon at iba pa.
Ang Ontario ay mayroong pinakamalaking populasyon sa Kanada. Hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 4,347 ang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at 132 ang namatay. Ang bilang ng mga nasawi ay nasa ikalawang puwesto sa buong Kanada.
Salin:Sarah