Sa news briefing ng Mekanismo ng Magkasanib na Pagpigil at Pagkontrol sa Epidemiya ng Konseho ng Estado ng Tsina nitong Lunes, Abril 6, 2020, tinukoy ni Liu Haitao, opisyal ng National Immigration Administration ng Tsina, na sa kasalukuyan, patuloy na bumubuti ang kalagayan ng pagpigil sa pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa loob ng bansa, pero tuluy-tuloy na lumalaki ang bilang ng mga kaso mula sa ibayong dagat. Dagdag niya, lampas na sa 950 ang kabuuang bilang ng mga imported confirmed cases, at naging pokus ng pagkontrol sa epidemiya ngayon ang pagpigil sa pagpasok ng epidemiya mula sa ibayong dagat.
Isinalaysay naman ni Han Guangzu, opisyal ng Civil Aviation Administration ng Tsina, na mula noong Marso 4 hanggang Abril 3, ipinadala ng abiyasyong sibil ng bansa ang 11 pansamantalang flights, para iuwi ang 1,827 mamamayang Tsino sa Iran, Italya at Britanya.
Salin: Vera