Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[FB Live] Opisyal na Facebook Livecast hinggil sa COVID-19, Abril 12, 2020

(GMT+08:00) 2020-04-12 15:25:44       CRI

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/908498806245478/

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/245800856548156/

Ad5-nCoV - UNANG BAKUNA NG TSINA KONTRA COVID-19, PAPASOK NA SA PHASE 2 HUMAN TRIAL

* Nagsimula, Huwebes, Abril 8, 2020 ang proseso ng pagkuha ng mga boluntaryo para sa Phase 2 Human Trial ng Ad5-nCoV (recombinant novel coronavirus vaccine), unang kandidatong bakuna ng Tsina,

* Limang daang (500) boluntaryo ang kailangan, na 5 beses na mas marami kaysa sa bilang ng boluntaryo sa Phase I Trial na ginawa noong Marso 2020.

* Ayon sa Tianjin-based CanSino Biologics Inc., kompanyang nagdebelop ng naturang bakuna, sa Phase 2 Trial, paghihiwalayin sa tatlong grupo ang mga boluntaryo-isang grupo na bubuuin ng 250 boluntaryo ay bibigyan ng katam-tamang dosage, isang grupo na bubuuin ng 125 boluntaryo ay bibigyan ng mababang dosage, at ang natitirang 125 ay bubuo sa control group.

* Ang Ad5-nCoV ay ginawa sa pamamagitan ng recombinant DNA technique, kung saan, ang gene ng isang organismo ay ipinasok sa DNA ng ibang organismo.

* Kaya, ang recombinant sub-unit vaccine na ito ay nagtataglay ng bahagi ng pathogen o novel corona virus para mag-stimulate ng protective immune response sa katawan ng tao.

* Ayon sa notipikasyon ng pagrerekrut, ang mga boluntaryo ay kailangang nasa edad 18 anyos, pataas; walang kasaysayan ng allergy sa bakuna; at walang kasaysayan ng pagkahawa sa Corona Viirus Disease 2019 (COVID-19).

* Ang pagsubok ay gagawin sa lunsod Wuhan, at kinakailangang, ang lahat ng boluntaryo ay nabigyan ng "green code," na isang indikasyong wala silang simtomas ng COVID-19.

* Ang "green code" ay isa sa mga code na napapaloob sa health code app, na ginagamit ngayon ng lunsod Wuhan, at kabilang din sa health code app na ito ang basic health information at kasaysayan ng pagbiyahe ng isang tao.

* Ang health code app na ito ay idinebelop ng Tsina dahil sa pandemiya ng COVID-19.

* Ang Ad5-nCoV, ay magkasamang idenebelop ng CanSino Biologics Inc. at Institute of Biotechnology ng Academy of Military Medical Sciences.

* Samantala, ang Phase I Trial, na kinabilangan ng 108 boluntaryo ay ginawa sa Tongji Hospital, lunsod Wuhan, lalawigang Hubei noong nakaraang buwan.

* Ayon sa Clinical Trial Registry ng Tsina, sinubok sa Phase I Trial kung gaano kaligtas ang bakuna, at kung gaano kataas ang tolerance ng mga boluntaryo sa nasabing bakuna.

* Ayon naman sa resulta mula sa preclinical animal studies, ang kandidatong bakunang ito ay kayang makagawa ng malakas na immune response, at nagpakita rin ng mataas na kaligtasan sa paggamit.

* Sa kabilang dako, ang mga adverse reaction na nakita sa Phase I Trial ay kinabibilangan ng lagnat at pananakit sa lugar na pinag-iniksyunan at kasu-kasuhan.

* Samantala, ang grupong tumanggap ng mas mataas na dosage ay nagkaroon ng mas maraming insidente ng lagnat, pero, ang mga simtomas na ito ay karaniwang nawawala sa loob ng 24 oras.

* Di-tulad ng Phase I Trial, na nagsasailalim sa mga boluntaryo ng 14 na araw na magkuwarentina sa itinakdang lugar, sa Phase II Trial, ang mga boluntaryo ay maaaring magsarilinang kuwarentina sa bahay.

* Sa loob ng 6 na buwan pagkatapos matanggap ang bakuna, patuloy na imo-monitor ng mga imbestigador ang kalagayan ng mga boluntaryo, at 4 na beses na bibisitahin ang bawat isa.

* Maliban sa Tsina, isinisagawa na rin ng Amerika ang human trial sa para sa kanilang bakuna laban sa COVID-19.

* Sa kalagitnaan ng Marso, inilunsad sa Kaiser Permanente Washington Health Research Institute, Seattle, Washington, mRNA-1273 vaccine ng kompanyang Moderna.

* Ginamit ng Moderna ang gene-based method na gumagamit ng messenger RNA para makagawa ng immune response.

* Isa pang kandidatong bakuna ng Amerika ay ang INO-4800 DNA vaccine na gawa naman ng Inovio Pharmaceuticals, at ito ay pumasok na rin sa Phase I clinical human testing ngayong buwan.

* Sa isang preskon kamakailan, sinabi ni Zheng Zhongwei, Direktor ng Development Center for Medical Science and Technology ng National Health Commission ng Tsina, na mayroong 8 institusyon sa Tsina ang gumagawa ng bakuna sa 5 teknikal na paraan, at ang mga ito ay: inactivated vaccine; recombinant subunit vaccine; adenoviral vector vaccine; live attenuated vaccine; at nucleic acid-based vaccine.

* Ipinagdiinan niyang lahat ng pananaliksik hinggil dito ay naaayon sa batas, at istandard na kagawian.

* "Ang layon natin ay makapagdebelop ng bakuna laban sa COVID-19, sa lalong madaling panahon, base sa prinsipyo ng kaligtasan at epektibidad," dagdag ni Zheng.

SOURCE:

https://enapp.chinadaily.com.cn/a/202004/11/AP5e910beea3100bb08af07832.html

http://covid-19.chinadaily.com.cn/a/202003/23/WS5e77f24aa31012821728112d.html

Ulat: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>