|
||||||||
|
||
Sa isang virtual interview nitong Huwebes, Abril 9, 2020, ni Bai Yansong, anchor ng China Media Group (CMG), sinagot ni Bill Gates, Co-chair ng Bill and Melinda Gates Foundation, ang mga tanong tungkol sa natamong bunga ng pagpigil ng Tsina laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), "Bill Gates conspiracy theories," pagtuklas ng bakuna at iba pa.
Nang mabanggit ang pagbubukas ng lunsod Wuhan ng Tsina, ipinahayag ni Gates na maliit ang pangkalahatang bilang ng kumpirmadong kaso ng epidemiya sa Tsina, partikular na sa Wuhan. Ito aniya ay isang magandang balita. Nananalig aniya siyang sa panahon ng mahigpit na kuwarantina, nakaranas ang mga mamamayang Tsino ng maraming kahirapan, kaya dapat batiin sila. Natamo ng pagpapatupad ng kuwarantina ang napakalaking bunga, ani Gates.
Sinabi rin niya na ang karanasang Tsino sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay nagkaloob ng isang mabuting modelo para sa mga bansang kasing-yaman at mas mayaman kaysa Tsina. Inamin niya na sa iba't –ibang dahilan, hindi mas maagang kumilos ang New York. Sa hinaharap, kung nais makuha ang mabisang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa lalong madaling panahon, dapat sundin ng mga tao ang lahat ng regulasyong panlipunan, ani Gates.
Nang pag-usapan ang nagaganap na atake at diskriminasyon sa pagitan ng mga bansa sa daigdig na dulot ng kalagayang epidemiko, ipinagdiinan ni Gates ang kahalagahan ng pandaigdigang kooperasyon.
Bilang tugon naman sa pananalita ng ilang American netizens na umano'y ang virus ay nalikha sa gitna ng pananaliksik ng Bill and Melinda Gates Foundation ng vaccine, ipinalalagay ni Gates na nagiging ironic ang pananalitang ito, lalong lalo na, sa mga taong lubos na nagpupunyagi para tulungan ang buong daigdig sa pagharap at pakikibaka laban sa epidemiya.
Tinukoy pa niya na upang mapigilan ang pagkalat ng virus, kailangang hanapin ang pinakamatalinong tauhan, pinakamabisang vaccine at gamot. Diin niya, dapat nila isaalang-alang at paglingkuran ang buong daigdig sa halip ng paglilingkod ng iisang bansa lamang.
Ipinalalagay ni Gates na sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya sa hinaharap, maaaring patingkarin ng Tsina ang mas positibong papel. Aniya, nitong mga taong nakalipas, palagiang pinalalakas ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon, at may malakas na pakikipag-ugnayan ang Tsina sa iba't-ibang sulok ng buong daigdig. Sa katotohanan, kabilang sa "Belt and Road" Initiative ay ang pakikipagkooperasyong medikal at pangkalusugan ng Tsina sa mga kaukulang bansa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |