|
||||||||
|
||
Bumisita Lunes, ika-13 ng Abril, 2020 ang Chinese Anti-epidemic Medical Expert Team sa Philippine General Hospital (PGH) para ibahagi ang mga karanasan ng Tsina sa paglaban sa COVID-19.
Dito, kinatagpo sila ni Gerardo Gap D. Legaspi, Direktor ng PGH.
Sa talakayan na idinaos, sinagot ng Chinese team ang mga tanong mula sa mga doktor ng PGH.
Ang PGH ay isa sa tatlong sentro ng pagkonsulta at paglunas sa mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Dumating ng Pilipinas ang labindalawang miyembrong grupong medikal ng Tsina noong Abril 5. Nauna rito, dumalaw na sila ng Philippine Research Institute for Tropical Medicine, Metropolitan Medical Center, Chinese General Hospital, San Lazaro Hospital, at Lung Center of the Philippines, para magbahagi ng karanasan at mungkahi hinggil sa pagpigil at pagkontrol ng epidemiya ng COVID-19. Naka-iskedyul din silang magsadya bukas sa pansamantalang hospital sa Philippine International Convention Center, Manila Doctors Hospital, at Philippine TCM Healthcare Center.
Ulat: Ernest |
Pulido: Rhio/Jade
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |