|
||||||||
|
||
500,000 surgical mask na ibinigay ng Bank of China
Manila--Tinanggap Sabado, ika-28 ng Marso, 2020 ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ng Pilipinas ang 500,000 surgical mask na bigay ng Bank of China para tulungan ang mga medical team ng mga ospital at komunidad ng Pilipinas sa paglaban sa epidemiya ng COVID 19.
Mga staff ng DOH, habang tinatanggap ang mga surgical mask
Ipinahayag ni Dr. Miko Amansec ng Bureau of International Health Cooperation (BIHC) ng DOH na napapanahon ang mga mask para sa paglaban ng Pilipinas sa COVID 19. Pinasalamatan din niya ang pagtulong ng Bank of China.
Sa kahon ng mga masks, nakalagay ang "Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis" para ipakita ang pagsuporta at pagbati ng Bank of China sa Pilipinas para mapagtagumpayan ang epidemyang ito sa lalong madaling panahon.
Ulat: Ernest
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |