|
||||||||
|
||
Sa panahon ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, inilatag ng Ministri ng Pananalapi, Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng Konseho ng Estado, at iba pang departamento ng Tsina ang espesyal na online sales platform para sa 832 mahihirap na county ng buong bansa.
Layon nitong tulungan ang mga magsasaka na ibenta ang mga hindi-mabiling produktong agrikultural at sideline products.
Ang nasabing plataporma ay pormal na naisaoperasyon noong Enero ng 2020.
Pinag-iisa sa platapormang ito ang mga pungsyong kinabibilangan ng transaksyon, serbisyo, pagsusuperbisa at pangangasiwa.
Maliban diyan, nagsisilbi rin itong tulay sa pagitan ng mahihirap na county at pamilihan.
Sa kasalukuyan, nakapaglilingkod ang naturang plataporma sa 22 lalawigan ng buong bansa.
Ibinebenta rito ang mahigit 14,000 produktong agrikultural at sideline products, at lampas na sa 100 milyon ang kabuuang halaga ng benta. Nakikinabang dito ang mahigit 500,000 pamilyang magsasaka.
Ayon sa plano, patuloy na pag-iibayuhin ang pagtulong sa mahihirap, sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa pagbili ng mga produkto ng mahihirap na rehiyon.
Walang humpay ring hahanapin ang bagong modelo at paraan ng pagbibigay-tulong sa mahihirap.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |