Hanoi, Biyetnam—Ginanap Martes, Abril 14, 2020 ang Special Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit on the COVID-19 Response, sa pamamagtian ng virtual platform.
Bingyang diin sa pulong ang paninindigang magkakasamang paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, at pangangalaga sa mapayapang pamumuhay ng mga mamamayan, at sustenableng pag-unlad ng mga bansa ng rehiyon.
Nangulo sa virtual summit si Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng ASEAN. Kalahok dito ang mga lider ng 10 bansang ASEAN at pangkalahatang kalihim ng ASEAN.
Tinalakay sa pulong ang hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa pagkalat ng pandemiya, pagsuporta sa mga mamamayang apektado ng pandemiya, pagbibigay-tulong sa mga mamamayang ASEAN na namumuhay, nagtatrabaho at nag-aaral sa ibang bansa ng ASEAN o ikatlong bansa, at pagbabawas ng epekto ng pandemiya sa kabuhaya't lipunan.
Salin: Vera