Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghingi ng kompensasyon sa Tsina dahil sa COVID-19, di katanggap-tanggap — Sergei Lavrov

(GMT+08:00) 2020-04-15 11:38:29       CRI

Sa isang online interview ng mga mediang Ruso at dayuhan tungkol sa kasalukuyang maiinit na isyung pandaigdig, ipinahayag ni Sergei Lavrov, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Rusya, na nakatatakot ang kumakalat na kaisipan sa ilang bansa't rehiyon na umano'y dapat "pagbayarin ang Tsina dahil sa corona virus." Ito aniya ay hinding hindi katanggap-tanggap.

Sinabi niya na sa pamamagitan ng sariling pagsisikap, nakontrol ng Tsina ang kalagayang epidemiko ng bansa, at unti-unting napapanumbalik sa normal ang kabuhayan nito. Bukod dito, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sariling karanasan ng pakikibaka laban sa epidemiya, puspusang tinutulungan ng Tsina ang iba pang mga apektadong bansa, aniya.

Dagdag pa niya, tungkol sa inilabas na pananalitang umano'y "dapat hingin sa Tsina ang paumanhin at kompensasyon dahil sa pagkalat ng epidemiya," ipinalalagay ng Rusya na nalampasan na nito ang bottom line at wala itong hangaring mabuti.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>