|
||||||||
|
||
Bilang mahalagang lunsod na pangkabuhayan sa gitnang Tsina, nasa ika-8 puwesto sa mga lunsod ng Tsina ang GDP ng Wuhan noong 2019. Nakatayo rito ang malaking base ng industriya ng pagyari ng sasakyang de motor at base ng industriya ng elektronikong impormasyon, at mahalagang mahalaga ang katayuan nito sa domestic industry chain, maging ng global industry chain.
Bukod dito, ang Wuhan ay isa sa mga mahalagang transportation hub ng Tsina. Ang pag-aalis ng lockdown ng Wuhan ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng normal na operasyon ng transportation network ng Tsina, at makakabuti sa pagpapanumbalik ng trabaho't produksyon ng buong bansa.
Simula ng buksan ang Wuhan nitong Abril 8, magkakasunod na naisaoperasyon muli ang iba't ibang sonang komersyal at commercial complex ng Wuhan. Ipinatupad din ng pamahalaang lokal ang mga hakbangin sa pagbabawas ng buwis, suportang pinansyal, at tulong sa hanap-buhay, upang katigan ang pag-unlad ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal.
Ang mga hakbangin ng Wuhan ay isang halimbawa lang. Sa pamamagitan ng mga katulad na hakbangin at pagtulong ng tagalabas, pinagtagumpayan ng mga bahay-kalakal sa buong bansa ang iba't ibang kahirapan.
Pagkaranas ng pagsubok ng epidemiya, napanumbalik na ang operasyon ng Wuhan. May kompiyansa at kakayahan ang Tsina na matapos ang target at tungkulin ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan sa kasalukuyang taon, at patuloy na palalakasin ang kompiyansa't lakas-panulak para sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |