Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paumanhin, hiningi ng "Nature," dahil sa pag-uugnay nito sa Wuhan, Tsina sa coronavirus

(GMT+08:00) 2020-04-10 12:56:33       CRI

"Ang nagawa namin ay isang kamalian: inaako namin ang buong responsibilidad at humihingi kami ng paumanhin."

Ito ang ipinahayag sa editoryal na inilabas, Abril 7, 2020 ng dyornal na pansiyensiyang "Nature," hinggil sa naunang artikulong inilabas nito na nag-uugnay sa Wuhan, Tsina sa coronavirus.

Ayon sa editoryal, nang ipahayag ng World Health Organization (WHO) noong Pebrero 2020, na tatawagin bilang COVID-19 ang sakit na dulot ng coronavirus, ito ay isang malinaw na paala-ala sa lahat ng mga organisasyong naglalabas ng balita, sa kanilang maling pag-uugnay sa coronavirus sa Wuhan, Tsina, na kinabibilangan ng Nature.

Anito pa, sa loob ng mahabang panahon, naging komong kaugalian na ang pag-uugnay sa mga sakit na dulot ng virus sa mga lugar at rehiyon kung saan ito unang nadiskubre, tulad ng Middle East Respiratory Syndrome o Zika Virus, na ipinangalan sa isang kagubatan sa Uganda.

Pero, noong 2015, naglabas ng panuntunan ang WHO na nagpapatigil sa ganitong kagawian upang mapaliit ang istigma at negatibong epektong tulad ng pagkatakot at pagkamuhi sa mga nai-u-ugnay na rehiyon at kanilang mga mamamayan.

Binibigyang-diin ng panuntunan ng WHO, na lahat ng tao ay maaaring maapektuhan ng mga virus kapag nagkaroon ng epidemiya o pandemiya, at lahat ay maaaring malagay sa panganib.

Dagdag ng editoryal, sa kabila ng pagpupunyagi ng mundo upang labanan ang pandemiya ng coronavirus, may ilang politiko pa ring yumayakap sa isang napag-iwanan, mali, at kupas na paniniwala: tulad ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na ilang beses nang ini-ugnay ang virus sa Tsina; at Brasilyanong mambabatas na si Eduardo Bolsonaro, na nagsabing, ang situwasyon ay kasalanan ng Tsina, at ilan pang politikong Britaniko na naniniwalang kailangang isabalikat ng Tsina ang responsibilidad sa pandemiya.

Mariing ipinahayag ng editoryal na ang patuloy na pag-uugnay sa virus at sakit na sanhi nito sa espisipikong lugar ay iresponsable at kailangang matigil.

Tulad ng sabi ng Infectious-disease Epidemiologist na si Adam Kucharski sa kanyang aklat na "The Rule of Contagion," ipinakikita sa atin ng kasaysayan, na ang mga pandemiya ay nagdudulot ng istigmatisasyon ng maraming komunidad; kaya naman, kailangang maging maingat ang lahat.

 

Ayon pa kay Kucharski, "kung may alinlangan, magtanong; at laging talikdan ang sinasabi ng mga ebidensya.

Anang editoryal, malinaw na napailalim sa diskriminasyon at atakeng panlahi ang maraming Asyano simula nang pumutok ang pandemiya, at karamihan sa mga ito ay kabilang sa mahigit 700,000 estudyanteng Tsinong nasa kolehiyo, at kumukuha ng master's at doctoral degree sa mga unibersidad sa labas ng Tsina.

Dahil sa lockdown at pagsasara ng mga institusyong kanilang pinag-aaralan, karamihan sa kanila ay bumalik na sa Tsina, at maaaring hindi mag-aral pang muli dahil sa takot sa diskriminasyon, rasismo, at walang kasiguruhan kung kailan muling magiging normal ang internasyonal na pagbibiyahe.

Sinabi pa ng editoryal, na dapat gawin ng lahat ng tao ang nararapat upang iwasan at paliitin ang istigma; huwag i-ugnay ang COVID-19 sa anumang partikular na lahi at lugar; at ipabatid sa lahat, na ang mga virus ay walang pinipili - lahat ng tao sa mundo ay maaaring maapektuhan.

"Ang istigmatisasyon ng coronavirus ay kailangang matigil - ngayon din!" saad ng editoryal.

/Rhio Zablan//

SOURCE:

https://www.nature.com/articles/d41586-020-01009-0

http://global.chinadaily.com.cn/a/202004/09/WS5e8f165da3105d50a3d1518e.html

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>