|
||||||||
|
||
Sa mga lunsod ng Beijing, Huizhou ng probinsyang Guangdong ng Tsina, at lunsod Dallas ng Amerika, idinaos nang sabay kamakailan ang "cloud opening ceremony" na nakatawag ng malaking pansin. Pormal na sinimulan ang konstruksyon ng Enabling Projects for ExxonMobil Huizhou Project na halos 10 bilyong dolyares ang kabuuang puhunan nito. Mula paghahanda at pagpaplano ng proyekto hanggang pagtatapos ng pagsusuri at pormal na pagsisimula, 18 buwan lamang ang kinailangan.
Dulot ng kasalukuyang pandemic COVID-19 ang malubhang kawalang-balanse sa buong daigdig, at bumaba kamakailan ang presyo ng langis sa daigdig sa napakalaking paggagalaw. Ngunit inilaan sa kritikal na panahong ito ng ExxonMobil ang napakalaking pondo sa Tsina na nagpapakita ng buong tatag na kompiyansa at optimistikong pag-asa ng nasabing world's largest publicly traded international oil and gas company sa Tsina.
Ang nasabing kompiyansa at pag-asa ay nagmula hindi lamang sa "hard power" ng Tsina na kinabibilangan ng kumpletong imprastruktura at industriya, kundi maging sa "soft power" na kinabibilangan ng walang humpay na pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsnina at pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo. Sa seremonya ng pagsisimula, sinabi ni Darren Woods, CEO ng ExxonMobil, na bukod sa imprastruktura, ang mga bagong ipinatutupad na batas at regulasyon ay ibayo pang nakakapagpataas sa kakayahang kompetitibo ng kabuhayang Tsino.
Matapos ang pagsiklab ng COVID-19, pinupukaw ng ilang politikong Amerikano ang umano'y "pagkalas" ng industrial chains ng Tsina at Amerika, higit pa nilang iminungkahi sa pamahalaan na "magbayad" para sa pag-aalis ng mga kompanyang Amerikano mula sa Tsina. Ang pagsisimula ng proyekto ng naturang kompanyang Amerikano sa Tsina na nagkakahalaga ng mahigit 10 bilyong dolyares ay napakalakas na nagganting-salakay sa katawang-tawang teorya umano'y "de-Sinofication" ng industrial chains.
Nitong tatlong buwang nakalipas, sa pamamagitan ng tamang-tamang desisyon at pagdedeploy, napakalakas na kakayahan ng pagpapakilos at pagpapatupad, at pagkakaisa at kontribusyon ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino, mabisang nakontrol ng Tsina ang kalagayang epidemiko. Ipinakikita ng "pabrikang pandaigdig" ang napakalakas na pleksibilidad, bagay na nakakapagbigay ng mas matatag na kompiyansa sa patuloy na pamumuhunan ng mga dayuhang kompanya sa Tsina.
Ayon sa isang ulat ng magkakasanib na imbestigasyon na isinapubliko kamakailan ng American Chamber of Commerce in China, American Chamber of Commerce in Shanghai, at PwC China, sa mga nakatanggap-panayam na kompanyang Amerikano, mahigit 70% ang nagpahayag na hindi nila ililipat ang kanilang produksyon, at serbisyo ng pagsuplay at pagbibili sa labas ng Tsina dahil sa epektong dulot ng pandemic COVID-19.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |