Ayon sa isang research report na isinapubliko nitong Linggo, Marso 8, 2020 ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), sa epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sa kasalukuyang taon, tinatayang bababa sa 5% hanggang 15% ang direktang dayuhang pamumuhunan sa buong daigdig.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Zhan Xiaoning, Puno ng Pamumuhunan at Bahay-kalakal ng UNCTAD, na bagama't naaapektuhan ang Tsina ng pangkalahatang kalagayan ng pamumuhunang pandaigdig, hindi binabago ng kalagayang epidemiko ang pangkalahatang tunguhin ng pag-aakit ng Tsina sa mga pondong dayuhan.
Sinabi ni Zhan na sobrang laki ang ekonomikong bolyum, at walang tigil itong lumalaki. Tumataas din aniya ang per-capita income. Sa aspekto ng pagsasaginhawa ng pamumuhunan, walang humpay na bumubuti ang mga imprastruktura, kalidad ng lakas-manggagawa, at iba pa, dagdag pa niya.
Salin: Lito