Nangulo nitong Lunes, Abril 27, 2020 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-13 pulong ng Central Commission for Comprehensively Deepening Reform.
Diin ni Xi, dapat palalimin ang reporma, pabutihin ang mga institusyon, pag-ibayuhin ang sistema ng pamamahala, at mainam na gamitin ang taglay na lakas ng pamahalaan upang harapin ang iba't ibang panganib at hamon.
Ang pangangasiwa ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bentahe ng sosyalistang sistemang may katangiang Tsino ay saligang sanhi ng mabisang progreso ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at maayos na pagsulong ng pagbabalik ng trabaho't produksyon ng Tsina, saad ni Xi.
Salin: Vera