|
||||||||
|
||
Sa kabila ng palala nang palalang kalagayang epidemiko sa loob ng bansa, walang tigil na pinapalaganap kamakailan ng ilang politikong Amerikano na tulad ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado, ang mga kasinungalingang tulad ngp ang coronavirus ay galing sa Wuhan Institute of Virology, at inilulutang din nila ang ideya na dapat isagawa ang imbestigasyong pandaigdig sa nasabing laboratoryo. Sa katotohanan, may mga malalaking media networks na Amerikano ang nawalan ng tiwala sa paraan ng pagpigil at pagkontrol ng epidemiya sa loob ng bansa. Ipinalalagay nilang mayroong maraming dapat pagdudahan.
Bilang bansang may pinakamabuting kondisyong medikal sa buong daigdig, mayroong pinakamalaking bilang ng mga kumpirmadong kaso at nasawi ang Amerika sa buong daigdig. Ito ay nagiging pangunahing bansang pinagmumulan ngayon ng epidemiya. Ngunit walang tigil at malawakang nilikha ng ilang politikong Amerikano ang mga tsismis sa halip ng pagsasagawa ng mabisang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol. Lalung lalo na, nagtatangka silang sa pamamagitan ng umano'y imbestigasyong pandaigdig, puwersahang ilagay ang sisi sa Tsina. Layon nitong takpan ang di-epektibong kilos ng pamahalaang Amerikano sa usaping ito at takasan ang responsibilidad nito sa pagkalat ng epidemiya sa buong daigdig.
Bakit sobrang nabigo ang Amerika sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya? Anong responsibilidad ang dapat isabalikat ng Amerika sa pagkalat ng epidemiya sa buong daigdig? Anong bagay ang talagang nais takpan ng ilang politikong Amerikano? Kailangang isagawa ng komunidad ng daigdig ang imbestigasyon sa mga ito.
Una, dapat pahintulutan ng Amerika ang pagpasok ng World Health Organization (WHO) at iba pang kaukulang organisasyon sa Fort Detrick biology lab nito para isagawa ang imbestigasyon at tugunan ang kahilingan at pagkabahala ng mga mamamayan. Ikalawa, dapat makipagkooperasyon ang Amerika sa organisasyong pandaigdig para malinaw na imbestigahang kung ginagamit o hindi nito ang umano'y great influenza sa pagtatago ng COVID-19 pandemic. Ikatlo, dapat ding makipagkooperasyon ang Amerika sa imbestigasyong pandaigdig para alamin ang eksaktong panahon ng paglitaw ng coronavirus sa Amerika.
Kung ihahambing, nagiging matapat at bukas ang atityud ng Tsina sa imbestigasyong pandaigdig. Pero tinututulan ng Tsina ang "pagsasapulitika ng imbestigasyong pandaigdig at pagdungis sa Tsina." Dapat pamunuan ng United Nations (UN) ang imbestigasyong pandaigdig sa COVID-19 pandemic sa halip ng Amerika na gumigiit ng unilateralismo.
Sa harap ng epidemiyang sumiklab sa maraming lugar ng daigdig, kung isasagawa ang imbestigasyong pandaigdig, dapat itong maging pantay at makatarungan upang magkaroon ng sagot na responsable sa buong sangkatauhan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |